Tick-borne infection cases hit record high in Japan

Naitala ng Japan ang pinakamataas na bilang ng mga kaso ng Severe Fever with Thrombocytopenia Syndrome (SFTS), isang malubhang sakit na viral na dulot ng kagat ng garapata. Ayon sa Japan Institute for Health Security (JIHS), 91 na kaso ang naiulat mula Enero 1 hanggang Hunyo 29 sa 24 na mga prepektura — lumampas ito sa dating rekord na 82 kaso sa parehong panahon noong 2023.
Ang sakit ay karaniwang nakukuha sa kagat ng garapata, ngunit maaari rin itong maipasa ng mga asong at pusang nahawahan ng virus.
Ayon sa mga eksperto, ang pagtaas ng kaso ay maaaring sanhi ng paglobo ng populasyon ng mga hayop gaya ng usa at baboy-ramo, na siyang mga pinagmumugaran ng garapata.
Inirerekomenda ng ahensya na panatilihing nasa loob ng bahay ang mga pusa at gumamit ng mga panlaban sa garapata para sa mga alagang hayop bilang hakbang sa pag-iingat.
Source: NHK
