Health

TIPS: Paano Maiiwasan Ang Pagkabalisa (ANXIETY)?

Paano maiiwasan ang pagkabalisa? Ito ang madalas na tanong ng mga tao. Dahil nakakaalarma ang pagdami ng mga indibidwal na nakakaranas ng ilang uri ng anxiety sa kanilang buhay. Subalit, ayon sa mga eksperto, ang anxiety ay makokonsider na normal sa buhay. Lalo na kung paminsan-minsang lamang ang pag-atake nito.

Gayunpaman, kung sa palagay mo ay nagsisimula nang guluhin ng pagkabalisa ang iyong buhay. Ginagawang mahirap para sa’yo na gawin ang mga pang-araw-araw na gawain. Kakailanganin mong tugunan ang problema ito dahil para sa kaayusan ng iyong mental health.

Basahin ang artikulong ito, para malaman kung paano maiwasan ang pagkabalisa? Narito ang ilang mga tip upang pamahalaan ito.

Ano ang mga Sintomas ng Pagkabalisa?

Gaya ng nabanggit kanina, ang anxiety ay kadalasang nagiging sanhi ng takot, kaba o pagiging anxious. Ang ilang mga damdamin ng takot ay sense of doom, pagpapanic at danger. Bilang karagdagan, ang mga tao ay maaaring makaramdam ng tensyon o hindi mapakali.

Bagaman, ang pagkabalisa ay maaaring higit pa sa isang pakiramdam ng takot o kaba. Tandaan na ang isang tao ay maaaring magsimulang huminga ng mabilis. Ito ay tinatawag na hyperventilation, kasama ng pagtaas ng tibok ng puso at pag-atake ng pagkabalisa. Maaari rin pawisan at manginig ang isang tao.

Ang pagkabalisa ay maaaring makapinsala sa katawan ng isang tao dahil maaari itong makaramdam ng panghihina o pagod. Pwede itong maging mahirap para sa isang tao na matulog o magkaroon ng mapayapang pagtulog. Mapapansin din na nahihirapan ang isang tao na mag-isip at magpokus sa mga bagay— maliban sa kung ano ang kanilang inaalala.

Mga Panganib ng Pagkabalisa

Makikita na ang untreated anxiety ay maaaring maging dahilan ng maraming isyu sa tao. Halimbawa: Pagkakaroon ng depresyon mula sa anxiety— kung saan maaari itong humantong sa mga pag-iisip at pag-uugali ng suicide. Gayunpaman, madalas na mahirap para sa mga tao ito na sabihin ang pagkakaiba sa pagitan ng dalawa. Dahil magkapareho ang mga sintomas, tulad ng insomnia, agitation, pagkabalisa, atbp.

May mga pag-aaral na ginawa na nakapokus sa koneksyon sa pagitan ng mental health at adiksyon. Halimbawa, 40% ng lahat ng sigarilyo at 38% ng lahat ng alak ay iniinom ng mga taong may sakit sa isip, gaya ng depresyon o anxiety.

Pinakamainam na humingi ng propesyonal na tulong. Para maunawaan kung paano maiiwasan ang pagkabalisa o kung paano mapawi ang iyong anxiety. Sa halip na bumaling sa mga sangkap na maaaring makapinsala sa’yo.

Bukod pa rito, may mas mataas na pagkakataong magkaroon ka ng ilang partikular na sakit kung mayroon kang anxiety disorder. Kapag mayroon kang anxiety, maaari itong humantong sa chronic stress na maaaring magpahina sa iyong immune system. Tandaan na kapag mahina ang iyong immune system, mas prone ka sa mga impeksyon tulad ng trangkaso, sipon, atbp.

Paano Maiiwasan ang Pagkabalisa?

Kilala ang caffeine sa mga potensyal na maaaring magpalala sa mga sintomas ng pagkabalisa o nagdudulot ng anxiety. Samakatuwid, ang pagbabawas o kahit ang pag-alis ng caffeine mula sa iyong diyeta ay makakatulong sa’yo na maiwasan ang pagkabalisa.

Para sa karamihan ng malusog na matatanda, ang inirerekomendang limitasyon ng caffeine ay 400 mg bawat araw. Ito ay katumbas ng halos 4 na tasa ng kape. Gayunpaman, mahalagang tandaan na ang bawat inumin ay mag-iiba sa nilalaman ng caffeine.

Kung gusto mong bawasan o alisin ang caffeine sa’yong diyeta. Tandaan na maraming inumin ang naglalaman ng caffeine. Halimbawa, maraming mga soda at tsaa, tulad ng itim na tsaa na may caffeine.

Mahalaga rin na tandaan na ang ilang mga tao ay maaaring maging napakasensitibo sa caffeine. Kaya’t ang 1 tasa ng regular na brewed na kape ay maaaring makapagparamdam sa kanila ng anxiety at jittery. Kung iyon ang kaso para sa’yo, maaaring pinakamahusay para sa iyo na alisin ang caffeine.

Ang pagtukoy sa mga trigger ay maaari ring maging isang mahusay na paraan para matulungan ka sa’yong pagkabalisa. Halimbawa, kung mapapansin mo na mas nababalisa ka sa kape, maaari mong bawasan o alisin ang iyong pagkonsumo ng caffeine.

Gayunpaman, maaaring mahirap iwasan ang ilang partikular na trigger nang palagian. Halimbawa, ang social gatherings ay maaaring makapagparamdam sa’yo ng pagkabalisa. Subalit, may mga pagkakataon na kailanganin mong pumunta sa ilan sa mga ito. Samakatuwid, ang pagsubok ng ilang pagharap sa anxiety ay makakatulong bilang coping mechanism para maiwasan ang pagkabalisa.

Ang Pinakamahusay na Mga Ehersisyo sa Paghinga para sa Stress at Pagkabalisa

Ano ang mga Coping Mechanism?

Itinuturing na isa sa mga mabisang paraan ang paggamit ng coping mechanism para pamahalaan ng mga tao ang internal o external stress. Mas pipiliin ng bawat tao ang isang tiyak na uri ng coping mechanism para maiwasan at i-manage ang kanilang anxiety. Maraming malusog na coping mechanism ang maaari mong subukan.

Gawin mo Kung ano ang Nagpapasaya Sa’yo

Halimbawa, ang ilang mga tao ay gustong abalahin ang kanilang sarili nang ilang sandali. Sa pamamagitan ng paggawa ng bagay na kanilang kinasasaya. Ilang halimbawa nito ay ang pakikinig ng musika sa loob ng isang oras, paglalaro, panonood ng palabas sa TV, atbp.

Paano Maiiwasan ang Pagkabalisa:

  • Meditation

Ang isang epektibong paraan na makakatulong sa’yo na maibsan ang mga sintomas ng anxiety ay ang pagmumuni-muni. Makikita na ang pagmumuni-muni ay maaaring makatulong sa’yo na malinis ang iyong isip at magpokus sa kasalukuyan. Ito ay maaaring makatulong sa pagbabawas ng anticipatory anxiety at pag-aalala.

Tandaan na ang regular na mindful medication ay maaari ring makatulong sa long-term anxiety management. Ipinakikita ng mga pag-aaral na ang pagmumuni-muni ay maaaring makatulong na mapabuti ang stress reactivity.

  • Mag-ehersisyo

Ang isa pang kamangha-manghang paraan para mapuksa ang mga pagkabalisa ay ang ehersisyo. Maaaring iiwas ka ng pag-eehersisyo sa pag-iisip ng mga nakakabalisang bagay. Dahil imbes na sa mga negatibo kang bagay nakapokus, mas nakatuon ang iyong isip sa paggawa ng ehersisyo.

Kung hindi ka natural na atletiko, maaari mong subukan ang low-impact exercises. Makikita na ang simpleng pagjo-jogging sa loob ng 15-20 minuto. Maging ang paglalakad ng kalahating oras nang regular ay makakatulong sa’yong mapawi ang anxiety. Dahil nakakatulong ito na magpokus sa’yong katawan imbes na tumuon sa pag-iisip.

Kailangan Ko Bang Humingi ng Propesyonal na Tulong?

Magandang ideya na maghanap ng therapy. Para makatulong na pamahalaan ang iyong stress at pagkabalisa at makahanap ng isang propesyonal. Bagama’t may ilang tips na maaari mong sundin. Ang mas malubhang mga kaso ng pagkabalisa ay maaari lamang matugunan nang maayos sa pamamagitan ng paggabay.

Pwede kang matulungan ng isang propesyonal. Kung sa palagay mo ay nakakasagabal ang iyong pagkabalisa sa’yong mga relasyon, trabaho, mental health concerns, suicidal thoughts o behavior. Bukod pa rito, maaaring makatulong ang propesyonal na tulong kung sa tingin mo ay nagmumula ang iyong pagkabalisa sa physical health problem.

Malaki ang epekto ng pagkabalisa sa iyong buhay kung babalewalain mo ito. Sa kabutihang palad, may mga paraan na maaari mong gawin para sa’yong anxiety. Kailangan mo lamang ito matutunan para hindi na lumala pa ang iyong sitwasyon.

To Top