Dalawang Vietnamese national ang naaresto dahil sa kaso ng shoplifting sa isang convenience store sa Shinjuku district. Ang isa sa dalawang suspek ay nagpuslit ng 4 na inumin na may kabuuang halaga ng ¥ 800 at nasabat ng isa sa mga employees habang papalabas na ng store. Naging pisikalan at nagdulot ng ingay ang pag-aresto sa mga dayuhan. Ang isa ay umamin na sa kasalanang nagawa samantalang ang isa ay mariing tumangi at wala umano syang kasalanan.
Source: ANN News
#Japinoy #Japinonet