General

Tokyo: 224 katao na nahawahan, Pinakamataas na bilang ng covid positive case 10/7/2020

Noong ika-9 ng Hulyo, may naitalang 224 na kaso ng positibong hawahan ng coronavirus sa Tokyo, ito na ang maituturing na pinakamataas na bilang na naitala sa history ng covid positive cases sa lugar. Ayon sa Tokyo metropolitan area, malaki pa rin ang bilang ng mga taong nahahawahan sa downtown area dahil sa mga night time entertainment bars and resto na nagooperate, sumusunod na tumataas na rin ang bilang ng mga mga nahahawa sa trabaho o kaya yung mga lumalabas kasama ang mga kaibigan upang magdinner sa mga resto.

Dahil dito, gumagawa na ng mga hakbang upang masolusyonan ang lumulobong problema sa kaso ng hawahan sa Tokyo si Gov. Koike tulad ng mas mahigpit na inspeksyon kasama ang mismong Mayor ng Shinjuku at Toshima simula ngayong araw July 10,2020. Kasunod nito ang pakikipag-usap na gaganapin sa pagitan ng mga Governor ng Kanagawa, Saitama at Chiba prefectures upang maiwasan ang mas lalong pagdami at pagkalat ng impeksyon sa lugar.

Source: ANN NEWS

To Top