Crime

TOKYO: HUMAN BODY PARTS FOUND

TOKYO – Natagpuan ang mga putol putol na bahagi ng katawan kasama ang ulo at binti sa isang tubigan ng parke sa Tokyo nitong Huwebes, ika-23 ng Hunyo.

Ayon sa mga pulis, isang namamasyal ang nakapansin ng isang parte ng katawan ng tao ang palutang lutang sa tubig sa Himonya Park sa Meguro Ward sa ganap na 10:30 ng umaga. Agad namang pinaalam ng nakakita sa mga pulis ang insidente malapit sa koban.

Ayon pa sa mga pulis, natagpuan nila ay ang kanang paa, ulo, katawan at mga kamay. Hirap ang mga pulis na makilala ang nagmamay-ari ng mga parte ng katawan dahil sa ito ay naaagnas na. Hindi na rin masabi ng awtoridad kung gaano na ang mga parte ng katawan sa tubigan. Natagpuan ang mga ito isang metro ang lalim sa tubigan.

Ang parke ay malapit sa mga tirahan at 400 na metro lamang ang layo sa istasyon ng Gakugei Daigaku sa Tokyo Toyoko Line. Panoorin ang video sa iba pang detalye ng balita.

SOURCES: ANN NEWS, JAPAN TODAY, YOUTUBE.

#Japinoy #Japinonet

To Top