General

Tokyo: Nasa Alert Level 4 na dahil sa isyu ng hawahan ng coronavirus, “GoTo” campaign nais ipagpaliban.

Itinaas na sa Level 4 ang alert warning sa Tokyo dahil sa isyu ng hawahan ng coronavirus. Lagpas na sa 100 katao ang nagppositibo roon sa loob ng 7 araw na magkakasunod, mataas na bilang itong maituturing, dahil dito ang Tokyo Metropolitan Government ay nagdesisyon na itaas ang current status ng infection sa stage 4.

Humiling din si Governor Koike sa mga residente doon na iwasan ang mga hindi kinakailangan at importanteng activities sa labas ng Tokyo upang makaiwas sa mas seryusong kaso ng hawahan, at hiniling din nyang ipagpaliban muna ang “GoTo Campaign,” dahil maaari itong makaapekto sa kanyang request. Ang GoTo campaign ay isang uri ng hakbang na ginawa upang mapalakas ang industriya sa pamamagitan ng discount coupons at point rewards, kasama na dito ang Goto Travel bilang suporta upang manumbalik ang sigla ng turismo.

Ito ay mariing tinututulan naman ni Governor Hirofumi Yoshimura ng Osaka Prefecture at Governor Hiroshi Onomoto ng Saitama Prefecture na simulan ang ganitong kampanya sa buong bansa.

Ayon kay Chief Cabinet Secretary Suga: ” Naiintindihan ko na may mga ib’t ibang opinyon ang bawat munisipalidad tungkol sa campaign na ito, kung kaya’t  nais muna naming mamonitor ang actual na sitwasyon ng infection sa bawat rehiyon at mapakinggan ang mga opinyon ng infectious disease specialists para sa mas maayos na operasyon.” Ang gobyerno ay nagbabalak na maumpisahan na ang GoTo campaign sa ika-22 tulad ng napagkasunduan.

https://youtu.be/I-AbzAA4_O0

 

To Top