Tokyo: Pansamantalang pagsasara ng maaga ng mga SME’s, mga negosyante umaalma
Hinihiling ngayon sa Tokyo na pansamantalang iksihan o kung maari ay magsara muna ang ilang mga negosyo partikular na ang mga night town SME’s upang maiwasan ang malawakang pagkalat ng virus sa lungsod. Ito umano ang itinuturong dahilan ng mabilis na paglaganap muli ng kaso ng hawahan sa lugar. Simula noong Agosto 3, hiniling sa mga restaurants lalo na sa mga izakaya at night town bars na nagseserve ng alak na muling bawasan ang business hours, noong abril unang ipinatupad ito at karamihan ay sumunod sa pakiusap na ito dahil na rin sa pagdedeklara ng state of emergency sa lungsod. Ngunit sa pagkakataong ito, mukhang hati ang kooperasyon ng mga owners sa panawagan ng pamahalaan para dito. Majority ng mga family restaurants, izakaya chains, karaoke halls at iba pa ay magbubukas hanggang 10 PM lamang, nangangahulugan na aabot sa 70% ang mababawas sa kita ng mga ito ng dahil sa epekto ng coronavirus infection. Susunod naman sila sa panawagan habang nagiisip ng ibang paraan tulad ng takeouts at pre-orders upang kahit papaano ay hindi bumagsak ng tuluyan ang mga negosyo. May ibibigay namang ayudang pinansyal mula sa pamahalaan ng lungsod na aabot hanggang 200,000 yen para sa mga susunod. Ayon sa mga business owners, hangga’t maaari ay nais nilang magpatuloy sa pagooperate ngunit kung kinakailangan talagang huminto ay wala silang magagawa.
https://youtu.be/2h5hrNCdmLA
Source: ANN NEWS