News

Tokyo pharmacy accused of selling drugs without prescriptions

Isang babaeng Chinese at isang lalaking Japanese ang inaresto dahil sa hinalang pagbebenta ng mga gamot na nangangailangan ng reseta, kabilang ang Mounjaro, sa isang botika sa Tokyo.

Sina Wang Pei, 40, tagapamahala ng First Beauty Pharmacy, at Satoshi Hatori, 54, pangulo ng kumpanyang nagpapatakbo nito, ay pinaghihinalaang lumabag sa batas sa mga gamot at medical device. Ayon sa pulisya, nagbenta ang botika ng humigit-kumulang 70 uri ng gamot na dapat may reseta.

Ipinangangamba ng mga awtoridad ang paggamit ng Mounjaro para pumayat nang walang medikal na gabay. Anila, nag-anunsiyo ang botika sa Chinese social media at maraming kliyente nito ay Chinese, kabilang ang mga bumibisita sa Japan.

Pinaghihinalaang nagbenta ang dalawa ng apat na uri ng gamot sa apat na kliyente mula Enero hanggang Hunyo. Iniimbestigahan din kung kumita ang botika ng mahigit ¥65 milyon mula nang magbukas ito noong Oktubre 2024. Sinabi ng isang imbestigador na posibleng may mga gamot na ipinadala sa ibang bansa.

SOURCE: ASAHI SHIMBUN / LARAWAN: ILLUSTRATIVE PHOTO
To Top