Tokyo prepares shelters against missile attacks
By
Posted on
Inanunsyo ng Tokyo Metropolitan Government nitong Biyernes (7) ang isang plano na gawing mga evacuation shelter ang mga underground area malapit sa Tokyo Station sakaling magkaroon ng ballistic missile attack.
Kabilang sa proyekto ang paggamit sa Yaesu Underground Parking Lot sa Chuo, na may lawak na mahigit 10,000 square meters at kapasidad na humigit-kumulang 260 sasakyan. Inaasahang makapagbibigay ang lugar ng proteksyon laban sa shock waves, mga tipak ng debris, at pagbagsak ng mga gusali. Magsisimula ang detalyadong pag-aaral sa kasalukuyang fiscal year, habang inaasahang matatapos ang proyekto sa mga susunod na taon. May isa pang shelter na planong itayo malapit sa Azabu-Juban Station sa Minato.
Source / Larawan: Yomiuri Shimbun
