General

Tokyo: Ramdam na ang init ng summer, coronavirus patuloy pa rin sa pagkalat

Sa Tokyo, napag-alamang may 25 na kaso na namang kaso ng positibo sa coronavirus ang naitala noong ika-12 ng buwang ito. Sa araw ding ito ay bahagyang tumaas ang temperatura. Dahil halos lahat ng tao ay nakasuot ng mask, at ito rin ang ika-apat na araw ng summer days sa Tokyo, samu’t saring reaksyon ang makikita mo sa publiko dahil sa init ng panahon. Lagpas sa 30’c ang naitalang temperatura sa Tokyo ngayong araw. Sa kabilang banda, ang Kanto region naman ay bahagyang maulan.

Noong gabi ng June 11,2020, ang Tokyo Metropolitan Government Office na naiilawan ng pula simula ng i-anunsyo ang red alert dahil sa muling pagkalat ng coronavirus sa siyudad matapos kanselahin ang state of emergency dito ay pinalitan ng rainbow color. Pati na rin ang Rainbow Bridge sa Tokyo Bay ay inilawan rin. Ang Tokyo Alert na nauna nang ipinatupad 10 araw na ang nakakaraan ay plano ng kanselahin simula hatinggabi ng June 12,2020.

Governor Koike: Simula sa ika-19, ang mga leave requests at shortened business hours requests sa lahat ng uri ng negosyo ay kakanselahin na.

https://youtu.be/Bhu-4mDdyPk

Source: ANN News

To Top