Culture

Tokyo’s Electrifying Hostels: Book and Bed Tokyo, Bunka Hotel and Irori Hostel and Kitchen

Tokyo’s Electrifying Hostels

Ang mga nakalipas na taon para sa turismo ng Japan ay tunay na masigla at kaaya-aya. Samahan pa ito ng papalapit na 2020 Olympics, tunay nga na ang bawat turista ay wala nang hahanapin pa.

Alam ba ninyo na dito lamang sa Tokyo matatagpuan ang pinakamagagandang hostels para sa mga ibig magkaroon ng kakaibang karanasan sa kanilang paglalakbay sa bansang hitik na hitik sa makukulay na kasaysayan, kultura at pangkahalatang reporma para sa lahat?

Halina’t ating silipin ang mga tinaguriang Tokyo’s electrifying hostels.

Book and Bed Tokyo

Ang Book and Bed Tokyo ay binuksan sa publiko noong isang taon at ito ay matatagpuan sa Ikebukuro. Ang pangalan nito ay dahil sa mga wooden bookcases para sa mga taong mahilig sa literary arts. Dahil dito, ang mga natatanging panauhin nito ay maaaring makapili sa humigit kumulang na 1,700 book titles mula sa mga lokal na guide books hanggang sa mga tanyag na komiks at mga nakakatawang uri ng fictions. Hindi ninyo kinakailangang mag-overnight dito. Maaari lamang kayong magpahinga at magbasa sa halagang 1,500 yen.

Bunka Hotel

Ano naman ang halinang hatid ng Bunka hotel ng Tokyo? Ang salitang Bunka ay Japanese culture sa kanilang katutubong salita. Ang ground floor nito ay ginawang pachinko parlor na mayroong mga Japanese food at sake na nagbuhat pa sa iba’t-ibang panig ng daigdig. Samantala, sa ikapitong palapag, iba’t-ibang elemento ng Japanese-inspired architecture ang matatagpuan. Si Hiroko Takahashi ang siyang pangunahing nagdisenyo ng hostel na ito, na malapit lamang sa mga makasaysayang templo at shrines ng Japan.

Irori Hostel and Kitchen

Ang pinakamagandang hostel na ito ay regionalism ang tema sapagkat binibigyang laya ang lahat upang malasap at maranasan ang kakaibang hype at adventures ng iba’t –ibang rehiyon ng Japan. Sa pangkahalatang istruktura nito, ang lahat ay yari sa kahoy mula sa Shikoku prefecture. Ngunit ang pinakaakit–akit sa lahat ay ang sunken fireplace. Dito, maaaring magluto ang mga bisita ng mga Japanese cuisines na kanilang pinakaiibig. Higit sa lahat, mayroon itong mga gulay at inumin na tanging sa bansang ito lang matitikman.

Ang Tokyo’s electrifying hostels ay sumasalamin sa isang uri ng arkitektura na sinubok at pinatatag sa mahabang panahon upang ang salitang paglalakbay ay magkaroon ng ibang kahulugan, kilig at karisma para sa lahat ng turista buong daigdig.

Image source: monocle.com

To Top