Sa kauna-unahang pagkakaton, ang Tokyo ay naghalal ng isang goberrnador na babae sa katauhan ni Yuriko Koike. Siya ay dating defense minister ng nasabing bansa. Si Koike ang siyang mamahala sa darating na 2020 Olympic Games.
Ayon sa kanya, “I will lead Tokyo politics in an unprecedented manner, a Tokyo you have never seen.”
Sa kanyang talumpati ng pagkapanalo, sinabi ni Koike na sa kanyang pamamahala, sisikapin niyang magkaroon ng pantay na karapatan ang mga kababaihan at kalalakihan sa kabisera ng Japan.
Background on Tokyo’s First Female Governor
Bago siya kumandidato sa nasabing posisyon, siya ay nagsilbi sa lower parliament ng Japan kung saan ang sampung porsiyento na members of parliament ay puro kababaihan.
Bagama’t ang nasabing eleksiyon ay punung-puno ng kontrobersiya at maraming sari-saring akusasyon, ito ay sinalihan ng 21 kandidato. Humigit kumulang 13.6 milyong katao ang populasyon ng lumahok sa nasabing halalan. Ipinagmalaki si Koike na siya ang pinakaunang babaeng gobernador ng Japan at ang ikapitong prefectural governor.
Ang mga tanyag na political analysts ng Japan ay nagsabing ang di inaasahang pagkapanalo ni Koike ay dahil sa tulong ng kanyang malawakang expose ukol sa sympathy votes. Ngunit ang mga exclusionist policies ang siyang tunay na nagbigay daan sa landslide victory ng bagong halal na gobernador. Ito ay ayon kay Masaru Kaneko, isang sikat na economics professor mula sa Keio University.
Sa kanyang kampanya, isinawalat ni Koike ang kanyang di pag-sangayon sa paglahok ng mga non-Japanese people sa pang-rehiyon na halalan. Ito ay sa kadahilanang ang sistema ng Korean school ay mahigpit itong ipinagbabawal.
Nagtapos si Koike ng kursong sociology sa Cairo University noong 1976. Siya ay naging isang magaling na translator bago kumuha ng isa pang kurso na Journalism. Kalaunan, siya ay pumasok na rin sa larangan ng pulitika upang masubukan ang kanyang kakayahan sa serbisyo publiko.
Image from cnn.com