Culture

Top 10 Japanese Anime Series Part 2

top 10 Japanese anime series

Sa pagpapatuloy ng artikulong ito, narito ang ilan pa sa mga top 10 Japanese anime series.

Cowboy Bebop

Ito ay isang action drama Japanese anime series na may halong sci-fiction. Sa kwento nito, si Spike Spiegel ay isang magaling na bounty hunter na may madilim na karanasan sa buhay. Inilalarawan ang mga iba’t-ibang hamon at pakikipagsapalaran ng isang nilalang upang mabuhay na marangal at masaya.

Bleach

Napanood mo na ba ang Bleach anime series sa telebisyon? Maganda, hindi ba? Ayon sa buod ng seryeng ito, ang bidang si Ichigo Kurosaki ay isang bata na may kakaibang kakayahan upang makakita ng mga multo at espiritu mula sa ibang dimensiyon. Sa pamamagitan nito, nakakilala siya ng isang death God na si Rukia Kuchiki. Mula noon, sila ay naging mabuting magkaibigan at palagi nang magkatuwang sa paglutas ng mga hiwaga. Ngunit sa kabila nito, marami silang pagsubk na hinarap. Kabilang na rito ang soul transfer dilemmas na lalong nagdulot ng kakaibang intriga lalo na  sa mga taong mahilig sa usaping paranormal.

Samurai Champloo

Ito ay isang action-drama na tumalakay sa isang mandirigma na inihalintulad sa mabangis na hayop. Siya ay si Mugen na may di matatawarang fighting styles. Sa kalaunan, si Mugen ay nagkaroon ng isang matalik na kaibigan na ang pangalan ay Jin. Sila ay nagkakilala sa isang teahouse. Ang kabuuan ng istorya ay tungkol sa paghahanap ng isang samurai na amoy sunflower. Dito nagsimula ang kanilang makulay na paglalakbay at pakikipagtuos sa mga maaari nilang makalaban ukol sa mahalagang misyon na ito.

Trigun

Ang Trigun na anime series sa TV ay tungkol kay Vash Stampede, isang gunman na tinutugis ng mga may kapangyarihan at may patong na $60 billion dollars sa kanyang ulo. Sa ganitong pagkakataon, bawat lugar na kanyang puntahan ay nagiging magulo at di matahimik. Sa kabutihang palad, wala naming nagbubuwis ng buhay. Ang pinaka-aabangang twist ng seryeng ito ay ang paghahanap ng dalawang insurance agents kay Vash Stampede. Siya kaya ay nahuli upang magbagong buhay sa huli?. Muli, ito ay iyong balikan.

Mayroon pang tatlong natitira sa listahan ng mga Top 10 Japanese Anime Series. Alin kaya sa mga ito ay may pinakamagandang istorya na sadyang di malilimutan ng mga manonood sa ibang mundo? Abangan.

Part 3

Part 1

Image from planwallpaper.com

To Top