Culture

Top 10 Japanese Horror Films of All Time Part 2

top 10 Japanese horror films of all time

Sa pagpapatuloy ng artikulong ito (see part 1 https://japino.net/top-10-japanese-horror-films-time-part-1/ ), ilan pa sa mga top 10 Japanese horror films of all time ay ang mga sumusunod:

Dark Water

Ang pelikulang ito naman na ipinalabas sa buong mundo ay naglahad ng mga pamamaraan upang maipakita at mapahiwartig na ang labis na kalungkutan ay may masamang epekto sa kabuuan ng isang tao,

Audition 

Napanood mo ba ang pelikulang Audition na ipinagmalaki sa madla noong 1999? Ayon sa mga award-winning film reviewers, ang pelikulang ito ay walang puso at isang brutal na palabas dahil sa mga eksenang di katanggap tanggap sa mata ng mga mapanuring  manonood.

Kwaidan

Ito ay isang kakaibang ghost story noong 1960 na may makulay at makabuluhang cinematography. Ang direktor ng obrang ito ay naglagay ng mga mukukulay na paglalarawan sa bawat eksena. Ito ay binubuo ng apat na magkakaibang istorya na may sari-saring kulay mula asul hanggang furious reds. Sumesentro ang pelikulang ito sa spirituality ng mga tao. Sa kabila ng pagpuna na isa lang itong diorama na maituturing, di ito naging dahilan upang ito ay di maging box office hit ang movie na ito.

Hausu

Ito ay isang uri ng Japanese horror film na nakitaan ng malaking potensiyal upang maging isang box office hit noong taong 1977. Ayon sa mga manonood, ito ay may sariling mundo, sapagkat ang bawat eksena ay mga kakaibang cinematic tricks. Isa sa mga klasikong halimbawa nito ay ang magnificent cinematography, bagamat ito ay sinasabing color coded. Nakakita na ba kayo ng mga hand paintings na parang makatotohanan habang tumatagal? Saksihan ito upang ito ay lubos na mapatunayan.

Ugetsu

Ito ay Crown Jewel of Japanese Cinema. Bilang isang di malilimutang Japanese horror film, ito ay may kaakit akit na visual beauty at all encompassing sound design upang ito ay makasabay sa mga modernong Japanese horror films. Sa kabila nito, hindi rin masasabi na ito ay na one of the scariest horror movies in 1953. Ang mga pangunahing dahilan nito ay ang di malinaw na pagsasabuhay ng hypnotic silences, unstable lateral camera movements at iba pa.

Onibaba

Ang Japanese horror film na ito ay tungkol sa istorya ng dalawang babae na nakapatay ng mga sundalo na kanila ring ninakawan matapos ang karumaldumal na pagpatay. Ito ay isang trending film ukol sa kalakaran ng high moralism na uimiinog sa bangungot ng nakaraan na nakahandang iwaksi sa pamamagitan ng paghihiganti.

Ang mga top 10 Japanese horror films of all time ay mga makatuwirang likha na kung saan tayong lahat ay kabahagi sa iba’t –ibang paraan na naaayon sa sitwasyon ng ating pang araw-araw na  pakikibaka sa buhay.

To Top