General

TORNADO AND DESTRUCTION

ISESAKI, GUNMA PREFECTURE – Makikita sa video ang isang bubong na lumipad, nabasag na salamin na bintana. Iyan at iba ang naging dulot ng isang buhawi na sumalanta sa lugar sa ganap na 2:00 ng hapon noong ika-14 ng Hulyo.

Sa syudad ng Isesaki nanalasa ang isang buhawi na ikinasira ng mga ari-arian ng mga naninirahan doon. Ayon sa balitang ito, 119 ang naireport na nasirang binatana sa lugar. Isang tindahan ng bisekleta ang nasunog at umapaw na tubig sa mga kanal. Ang buhawi ay tumagal ng 2 oras. Dala nito ang malakas na ulan na naging sanhi ng pagbaha sa ilang lugar.

Wala namang naireport na nasugatan o nasawi sa nasabing kalamidad. Nag-deklara ang lokal na pamahalaan ng Toyama Prefecture ng thunderstorm warning.

SOURCES: ANN NEWS, YOUTUBE.

To Top