Nag-anunsyo ang Toyota ng bago nilang Prius PHV (Plug-in Hybrid). Ito ay isang sasakyan na makakatakbo ng hanggang sa 68 kilometers ng sa battery power lamang (EV mode). Kahit walang electric charge, ito ay makakatakbo ng average na 37.2 km / l, na may mabababang fuel consumption (hybrid system). Ito din ay posibleng makakuha ng supply ng kuryente sa bahay at sa solar panel na naka-install sa sasakyan.
Ang pagbenta ay magsisimula ngayong araw na may presyo na mula sa 3 million 260 thousand yen.
Source: ANN News