Economy

TOYOTA SYSTEM TROUBLE: All 14 Factories Hinto ang Operation

Sinabi ng Toyota Motor Corp nitong Tuesday August 29 na itinigil nito ang operations sa lahat ng 14 nitong factories sa Japan dahil sa isang system malfunction, ngunit hindi yata dulot ito ng cyberattack.

Tinanggihan ng pinakamalaking kumpanya ng mga automobile sa mundo na talakayin ang iba pang mga detalye ng pangyayari, na nagsimula nitong Tuesday ng umaga.

“Ang labing-apat na pabrika ng sasakyan, na nakaaapekto sa 25 na linya, ay hindi makapagproseso ng mga order para sa mga parte dahil sa isang system malfunction. Sa puntong ito, hindi namin pinaniniwalaang ito ay isang cyberattack,” sabi ng isang tagapagsalita ng Toyota sa AFP.

“Magpapatuloy kami sa pag-iimbestiga sa sanhi ng isyung ito at iaayos namin ito sa lalong madaling panahon.”

JAPAN TODAY AUGUST 29, 2023

To Top