Ang Nippon Rikagaku Kougyou, na isa sa pinaka-malaking kumpanya sa Japan ng chalk business para sa mga blackboards, ay naging masmalago dahil sa pag-hire nila ng mga tao na may kapansanan.
Sa loob ng 83 employees, 62 ang may intellectual disabilities. At ang 27 employees nito ay may mas seryosong kapansanan.
Noong fifty-five years ago, nang sila ay nagsimula ng pagtanggap ng company internship kasama ang 2 babae na may kapansanan, nakita sa mga ito ang pagpursige at dedikasyon sa kanilang trabaho.
Ang mga staff nito mismo ang nag request na mapanatili sila sa trabaho. At sa pagkakataong ito ay dito nagsimula ang pagtanggap nila ng iba pang mga employees na may kapansanan. Ayon sa presidente ng kumpanya, “nagpapasalamat sya sa mga employees nya ngayon dahil lalong napatatag ang kanyang kumpanya. Ito ay magiging posible laman sa pagpapatuloy ng pagtatatag nila at ang pagma-manage ng kumpanya”.
Source: ANN News
https://www.youtube.com/watch?v=oxMqhDa1ubc