Culture

Traditions Come Alive at Famous Japanese Breakfast Hubs

Japanese Breakfast Hubs

Ang mga maksaysayan at makukulay na Japanese traditions ay muling masisilayan. Ito ay sasariwain ng mga mamamayang mahilig kumain ng mga masusustansiysang almusal sa mga piling breakfast hubs sa Land of the Rising Sun. Mayroong mga sikat na restaurants ang naghahain ng mga masasarap na pagkain na naaayon pa rin sa mga nakaugat sa pangkalahatang norms o sociological make up ng bansang ito.

Kuouesu

Isa sa mga Japanese breakfast hubs na dinarayo sa kasalukuyan ay ang Kuouesu. Dito, matitikman ang pinakamasarap na ichijū sansai sa halagang 900 yen. Malalasap rin naman ang kanilang hamo o congee eel sa Ingles. Bukod rito, mayroon ring pickled turnip, blanched spinach o mga cucumbers kung kayo ay mga certified vegetarians. Samantala, ang kanilang katakam-takam na kanin ay iniluluto sa cast iron pot na kaunti lamang ang tubig. Ito ay inihahain sa mga kostumer kung aldente na ang texture ng kanin.

Park Hyatt

Sa Park Hyatt, isa sa mga pinakapamosong restaurant sa Japan, may tofu dish na steeped in broth. Kung ikaw naman ay mahilig sa mga pagkaing dagat o seafood, mayroong grilled variety na lubos ninyong maiibigan. Natatangi ang kanilang restaurant dahil sila ay naghahain ng sariwang prutas para sa kanilang mga regular na parokyano at mga natatanging panauhin.

Ang ibang Japanese hotels ay may mga masasarap na tea at kape na maaaring isabay sa pagkaing inyong ibig na kainin. Sa mga taong sadyang mahilig sa gulay, ang sari-saring vegetarian restaurants ang magpapasigla ng inyong araw.

Yakumo Saryo

Ano naman ang restaurant sa Japan ang sadyang para mga rich and famous? Ito ay walang iba kundi ay ang Yakumo Saryo tea house.

Ayon sa mga tauhan ng Japanese restaurant, ito ay nagsisilbi ng meditative asacha. Ang Japanese meal na ito ay binubuo ng morning tea at breakfast set. Ang isang meal rito ay nagkakahalga ng 3,500 yen. Binubuo ito ng mga teas tulad ng gawa sa luya, bright pickles at grilled fish.

May isang isang tahimik at madilim na lugar kung saan maaaring panandaliang magpahinga customers.

Kultura, kasaysayan at tradisyon ang humuhubog sa pihikang panlasa nating lahat. Kaya’t ang pagkain ay di lamang niluluto para tayo ay mabusog. Higit sa lahat, ito ay metikulosong inihahanda upang ang ating kaisipan at kaisipan ay lubusang masiyahan.

Image from the Tokyo Park Hyatt official website

To Top