General

“Travel Ban” sa mga prefectures kanselado na, mga citizens kanya-kanyang gala na

Simula ngayong araw, June 19 ang iba’t ibang restriksyon sa paglabas pasok sa bawat prefecture ay kanselado na. Ano- ano ang mga pagbabagong dulot nito? May 35 katao na nakumpirmang nahawahan sa Tokyo ngayong araw. Ang ibayong pag-iingat ay kinakailangan. Pero hindi nito napigilan ang “Tokyo Rush”. Sa Haneda airport, kung saan ang pagbabawal na tumawid from prefecture to prefecture ay kinansela na. Naitala na ang ANA ay may halos triple na domestic passengers kumpara sa nakaraang buwan. Ang Tokaido Shinkansen ay may pagtaas din ng bilang sa mga byahe ng night trains. May mga paghahanda na ring ginagawa para sa welcoming party. Ang isang hot spring inn sa Nikko City, Tochigi prefecture na kung saan ay halong ilang buwan ding bumagsak ang sales nito ng halos 96% ay may mga confirmed booking ng mga customers mula sa Tokyo mteropolitan.

May mga nakikitang problema ukol sa paggamit ng masks at social distancing, Kung kaya’t inaalerto pa rin ang lahat na ipagpatuloy ang ibayong pagiingat para sa pansarling kaligtasan at kalusugan.

https://youtu.be/DqRA0lpGsVc

Source: ANN News

To Top