General

Trillanes inalok ng trabaho ni Binay

MANILA, Philippines — Inalok ni Sen. Nancy Binay si Sen. Antonio Trillanes IV na magturo sa University of Makati at libreng pagpapa-ospital.

Inihayag ito ni Sen. Panfilo Lacson sa kanyang post sa Twitter kasabay ng pagpuri sa magandang samahan ng mga senador na miyembro ng 17th Congress.

Bukod sa teaching job para kay Trillanes, inalok din ito Binay ng libreng parking, libreng pagpapa-ospital at libreng libing sa Makati cemetery.

Pero nilinaw ni Lacson sa mga miyembro ng Senate media na tanging teaching job at pagpapa-ospital lamang ang alok ni Binay at idinagdag na lamang niya ang libreng parking at libreng pagpapalibing.

Matatandaan na sina Trillanes at dating Sen. Alan Peter Cayetano ang nagsulong na imbestigahan ang diumano’y katiwalian sa Makati kung saan nadiin sina dating Vice President Jejomar Binay at anak nitong si dating Makati Mayor Junjun Binay.

Kabilang si Trillanes sa mga senador na nagtapos na ang termino at hindi na babalik sa susunod na 18th Congress.

Read more at https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2019/06/06/1924056/trillanes-inalok-ng-trabaho-ni-binay#gHw28ixgp8gFhatF.99

 

Trillanes inalok ng trabaho ni Binay
To Top