TRUMP, Disqualified sa 2024 Elections
Nagdesisyon ang Supreme Court ng Colorado nitong December 19 na hindi karapat-dapat tumakbo sa presidential election sa Colorado ang dating Pangulo na si Trump sa 2024 dahil sa kanyang pagkakaugnay sa pagsalakay noong 2021 sa US Capitol ng mga tagasuporta ng dating Pangulo na si Trump.
Naresolba ang Supreme Court na si Trump ay nakadawit sa mga kaguluhan at na ang kanyang pag-udyok sa kanyang mga tagasuporta na salakayin ang Capitol ay labag sa probisyong konstitusyonal na nagbabawal sa mga sangkot sa mga pag-aaklas na magkaruon ng pampublikong posisyon. Nagpasya ang karamihan sa mga judge sa boto na 4 to 3 na si Trump ay ang unang kandidatong pangulo sa kasaysayan ng U.S. na naharap sa ganitong parusa sa Section 3 ng 14th Amendment.
Ang karamihan sa mga hukom ay “hindi dumaan sa desisyong ito nang maluwag. Kami ay mapanuri sa kalaliman at kalubhaan ng isyung ito. Gayundin, kami ay mapanuri sa aming malalim na obligasyon na ipatupad ang batas nang walang takot o kinikilingan at walang impluwensiyang dulot ng reaksyon ng publiko.”
Mayroong panahon para mag-appeal ng decision hanggang sa January 4, 2024.
Sinabi ng campaign ni Trump na ang desisyong ito ay “baluktot” at “di-demokratiko” at balak nitong mag-apela sa Korte Suprema ng Estados Unidos.
REUTERS
December 20, 2023
https://jp.reuters.com/world/us/6TSDEHGXXZN5PLE4375SBAUJ6A-2023-12-19/