General

Turismo planong palakasin ng gobyerno ng Japan sa pamamagitan ng pagbibigay ng subsidiya sa mga nais magbakasyon

Ang gobyerno ng Hapon ay naghahanap ng paraan upang muling mabuhay ang industriya ng turismo, ang isa sa pangunahing keypoint ng ekonomiya na nabugbog ng pandemic na coronavirus , sa pamamagitan ng pagbibigay ng subsidiya para sa mga tao na magbabakasyon sa bansa.

Sa ilalim ng inisyatiba ng Go To Travel, magbibigay ang gobyerno ng mga subsidiya na nagkakahalaga ng hanggang  20,000 yen bawat araw para sa mga taong nais magtravel upang magbakasyon.

Sakop ng mga subsidiyo ang kalahati ng gastos ng mga biyahe, na ipinamahagi sa pamamagitan ng kombinasyon ng mga diskwento at mga voucher na pwedeng magamit sa mga kalapit na restawran at tindahan. Ang inisyatibo ay inaasahan na magsisimula nang maaga sa katapusan ng Hulyo, ang pag-aaplay sa mga bookings na ginawa sa pamamagitan ng mga travel agencies ng Hapon o direkta sa mga hotel o “ryokan”  na tradisyonal na mga Japanese inn, kahit na ang gastos sa paglalakbay sa Japan ay hindi saklaw sa kahit anumang kadahilanan.

Ang industriya ng turismo ay kabilang sa pinakamahirap na naapektuhan dahil maraming mga Hapon ang tumigil sa pagpasok sa mga opisina, mas kokonti ang naglalakbay sa bakasyon. Ang pag-asa para sa muling pagbuhos ng mga dayuhang bisita ngayong tag-init ay napurnada dahil ang Tokyo Olympics ay ipinagpaliban at ipinataw ng Japan ang isang entry ban sa higit sa 100 na mga bansa at rehiyon.

Ayon sa isang survey ng Tokyo Shoko Research, 31 mga kumpanya sa accommodation business ay nagdeklara o naghahanda na upang mag-file para sa bankruptcy simula noong Abril dahil sa pandemya.

Ang Punong Ministro na si Shinzo Abe noong Lunes ay nag-kansela ng estado ng emerhensiya sa Tokyo at sa natitira pang nakapaligid na lugar pati na rin sa Hokkaido, nang mas maaga sa buwang ito, at nilagdaan ang pagsisimula ng pagbabalik sa normal na buhay.

Ang pamahalaan ay nakalikom na ng halaga na aabot sa 1.35 trilyon yen  para sa inisyatiba ng Go To Travel, na bahagi ng isang emergency package na kung saan sinabi ni Prime Minister Abe ay lalampas sa  humigit-kumulang na 200 trilyon yen ang budget na ilalaan para dito.

Source: JT

To Top