Two japanese killed in Manila: police arrest suspects

Arestado ng pulisya sa Maynila ang dalawang lalaki na pinaghihinalaang sangkot sa pagpatay sa dalawang mamamayang Hapon na naganap noong gabi ng Agosto 15 sa distrito ng Malate, isang lugar na kilala sa mga bar at night club.
Kinilala ang mga biktima bilang sina Akinobu Nakayama, 41 taong gulang, at Hideaki Satori, 53 taong gulang. Ayon sa mga awtoridad, kapwa bumaba ang dalawa mula sa isang taksi nang bigla silang salakayin ng isang armadong lalaki. Pinaputukan sila ng suspek at kinuha ang isang bag na may lamang pera bago tumakas sakay ng motorsiklo kasama ang kanyang kasabwat. Dead on the spot ang dalawang Hapon.
Makikita sa kuha ng CCTV ang sandali ng pagdating ng taksi, pagbaba ng mga biktima, at agad na pagbagsak matapos pagbabarilin, habang nagsitakbuhan naman ang mga tao sa paligid. Makalipas ang ilang sandali, natagpuan ang iniwang motorsiklo na ginamit sa pagtakas.
Ayon sa pulisya, isa sa mga suspek ay nagtatrabaho bilang tour guide at sinasabing nakasakay pa sa parehong taksi ng mga biktima bago ang pag-atake. Patuloy pa ring iniimbestigahan ang relasyon ng mga suspek sa mga biktima at ang buong insidente.
Source: Asahi Shimbun
