News

Typhoon 25 Threatens Silver Week

Ang Bagyong No. 25 ay maaaring lumapit sa Kanto sa Lunes, Setyembre 21, dala ang malakas na ulan, hangin at malalaking alon. Sakop ng Kanto ang Tokyo, Kanagawa, Chiba, Saitama, Ibaraki, Tochigi at Gunma. Posibleng lumampas sa 400 mm ang ulan sa Chiba at Shizuoka.

Maaari ring maapektuhan ang Tokai — Shizuoka, Aichi, Gifu at Mie — at Tohoku — Aomori, Iwate, Miyagi, Akita, Yamagata at Fukushima.

Noong 3 p.m. nitong Biyernes, Setyembre 18, nasa 170 km timog-timog-silangan ng Chichijima ang bagyo, may central pressure na 975 hPa at bugso ng hangin hanggang 45 m/s.

May panganib ng landslide, baha, pag-apaw ng ilog at mataas na alon. Posible ring magkaroon ng pagkaantala at kanselasyon sa transportasyon sa Silver Week.

SOURCE: TENKI.JP / LARAWAN: ILLUSTRATIVE PHOTO
To Top