News

Typhoon Leaves 10 Dead

Sampung katao ang kumpirmadong nasawi sa Chiba at Kanagawa dahil sa pananalasa ng Bagyong No. 25 sa Japan.

Sa Inzai, isang lalaking nasa edad 60 ang natagpuan malapit sa lumubog na sasakyan at idineklarang patay sa ospital. Sa Kamogawa, nawawala pa rin ang isa pang lalaki matapos matabunan ng pagguho ng lupa ang kanyang bahay. Pitong katao ang nasawi at dalawa ang nawawala sa Chiba.

Sa Kanagawa, umakyat sa tatlo ang bilang ng mga nasawi matapos makumpirma ang pagkamatay ng isang lalaking nasa edad 70 at isang babaeng nasa edad 30. Dalawa pa ang nawawala sa Yokosuka at Miura. Patuloy ang paghahanap ng Self-Defense Forces at iba pang rescue team.

SOURCE: Nippon Tv  / LARAWAN: ILLUSTRATIVE PHOTO
To Top