News

Typhoon leaves four dead in Japan

Apat na katao ang kumpirmadong nasawi at anim ang nawawala sa Kanagawa at Chiba matapos ang malalakas na pag-ulang dulot ng Typhoon Dujuan, ang ika-25 bagyo ngayong taon.

Humingi ng tulong sa Self-Defense Forces ang mga pamahalaan ng dalawang prefecture. Patuloy ang paghahanap ng mga pulis, bumbero at mga tauhan ng militar sa mga nawawala.

Sa Yokosuka, Kanagawa, isang bahay ang nawasak ng landslide noong Lunes. Isang babaeng nasa edad 60 ang natagpuan sa ilalim ng mga guho at idineklarang patay. Pumasok din ang putik sa mga bahay sa Yokosuka at Miura, kung saan may mga residenteng nananatiling nawawala.

SOURCE: JIJI PRESS  / LARAWAN: ILLUSTRATIVE PHOTO
To Top