General

Typhoon No. 14 nag-land fall na malapit sa Fukutsu City, Fukuoka Prefecture

Inihayag ng Japan Meteorological Agency na ang Bagyong No. 14 ay nag-land fall na malapit sa Fukutsu City, Fukuoka Prefecture bago mag-7:00 ng gabi. Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng mga istatistika na nakapasok nang direkta sa Fukuoka Prefecture ang isang bagyo.

Ang bagyong No. 14 ay inaasahang maglalakbay mula sa Shikoku patungong Kinki at Tokai, at sa ika-19, ay magbabago at magiging isang extratropical na bagyo at magpapatuloy sa paligid ng Kanto region.

Inaasahan na ang panahon ay hindi magiging maganda sa lugar. Mangyaring magkaroon ng ibayong pag-iingat at maging alerto para sa  mga pinakabagong impormasyon.

Source: ANN NEWS

To Top