Typhoon no. 5 papalapit sa Okinawa Hokuriku at Tohoku,
Ang Japanese archipelago ay tinamaan ng malalakas na pag-ulan at sobrang init ngayong tag-init. Nakapasok ang typhoon no. 5 kaninang madaling-araw at ang direksyon nito ay patungo sa hilagang parte ng Okinawa. Ngayong gabi inaasahan ang kasagsagan ng ulan at hangin sa lugar, at kinabukasan ay inaasahan ang 150 millimeters ng ulan na may lakas ng paghampas ng hangin na aabot sa 30 meters.
Dahil rito inaasahan din ang mabibigat na pag-ulan sa Hokuriko at Tohoku region na aabot sa 100mm locally, kaya pinag-iingat ang lahat. Sa kabilang banda, sa Kanto region hanggang Kyushu, ang init ay patuloy pa rin sa ika-9 na araw na magkakasunod, at may mga lugar din na umaabot pa ng higit sa 35 degrees ang temperatura.
https://youtu.be/E7aT8VVqxHY
Source: ANN NEWS