Ang Maynila ay muli na namang nabihag ng isang pamosong ramen restaurant mula sa puso ng Fukuoka. Sa pagkakataong ito, ang culinary exquisiteness at splendor ng Philippine capital ay mas lalong tumingkad ang ningning. Bukod pa rito ang walang humpay na pagkakaroon ng bagong lasa at mga kakaibang konsepto na may kaugnayan sa pagpapasigla ng culinary tourism sa Pilipinas. Ang Uma Uma Ramen chain ay unang sinubok ang maselang panlasa ng mga Singaporeans. Gayun din, ang ramen food house na ito ay mayroong sari-saring choices of ramen na sadyang masasarap at mura para sa lahat. Ngayon, sila ay may sangay na sa Pilipinas.
Background about Uma Uma
Alam ba ninyo na ang unang pangalan ng Uma Uma ay Wu Maru? Ito ay itinatag noong 1953. Ang Uma Uma ay masarap ang literal na ibig sabihin.
Ano nga ba ang natatanging secret formula ng pinakatanyag na ramen restaurant na ito sa Fukuoka? Una sa lahat, ito ay may bar extension. Kakaiba ang mga local cocktails na inihahain dito. Merong Singaporean and Japanese flairs.
Ayon kay Russell Yu, direktor ng Iki Concepts Ltd., ang kumpanyang nagpapatakbo sa Uma Uma Ramen,
“Our broth is made from a rich broth of pork bones, slow cooking over high heat to achieve the distinct and robust flavor infused through hours of cooking. It’s 100 percent MSG free.
Izakeya Ramenya – Yakitori and Kashikatsu
Sa Japan, ang Uma-Uma ay binigyang buhay ang ang konsepto ng Izakeya Ramenya na talaga namang lubos na tinatangkilik ng mga pangkaraniwang mamamayan sa Japan. Ito ay sinaliksik at pinag-aralan ni Masahiko Teshima, ang pangulo ng Uma Uma Ramen ng Japan.
Ang Izakeya cuisine ay binubuo ng Yakitori. Sa mga hindi gaanong pamilyar sa Japanese food, ang Yakitori ay ang mga grilled skewers gamit ang uling. Kushikatsu naman ang taguri sa mga deep fried na skewers. Ngunit ang pinakatanyag na featured meal ng Uma Uma ay ang labing isang klase ng Yakitori at Kashikatsu. Sa paraan ng paghahanda ng mga ito, tatagal lamang ng ilang minuto bago malasap ang di malilimutang linamnam ng mga pagkaing ito.
Mayroon rin silang Kashikatsu selection. Simple lamang ang paghahanda nito. Ang batter ay nilalahukan ng iba’t-ibang uri ng seasonings upang lumabas ang angking kasariwaan ng nasabing cuisines of Japan. Ang kanilang signature Ramen na tinatawag na Mazesoba ay isang uri ng pinatuyong Ramen na sadyang ginawa sa Singapore na lalong pinasarap ng Tonkatsu stock na walang vetsin.
Halina’t ating tikman ang masasarap na Ramen ng Uma-Uma upang higit na mapasigla ang ating mayamang culinary tourism at heritage ng Pilipinas at Japan!
Featured image from Inquirer Philippines
[wpme-gmap address=”Level 2, S Maison Marina Way (Mall below Conrad Manila)” height=”300px” width=”100%” zoom=”18″]
ADDRESS
S Maison, Level 2
Marina Way Mall of Asia Complex
Brgy. 76, Zone 10, CBP-IA
1300 Pasay City
Philippines
OPENING HOURS
DAILY
11.30AM – 10PM
(LAST ORDER 9.30PM)
You must be logged in to post a comment.