General

Unang kaso ng “Urticaria” sa Toyama Rosai Hospital dahil sa bakuna,nakumpirma

Sa unang pagkakataon, inanunsyo na ang corona vaccine ay may mga sintomas ng mga hinihinalang side effects. Ayon sa Twitter ng Prime Minister’s residence, nagsimula na ang pagbabakuna sa Toyama Rosai Hospital noong ika-19 ng buwang ito at may mga sintomas ng “urticaria” (skin rashes o pangangati ng balat) bilang side reaction sa bakuna ang naiulat. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagsalita ang gobyerno ng may kaugnayan sa side effects ng mga bakuna. Pahayag ni Director Hirano ng Toyama Rosai Hospital sa TV Asahi: ” ang skin rashes o pangangati ng balat sa pinagturukan ng bakuna ay posible maranasan ngunit nsa 2 oras lamang ang itatagal nito at kusa ding mawawala.”

Patuloy naman umanong mangangalap ang gobyero ng mga impormasyon sa hini-hinalang side effects para makasigurong ligtas ito para sa lahat. Pinapaalalahanan ang lahat na obserbahan muna ang sarili sa loob ng 15 minutos pagkatapos mabakunahan.

 

Source: ANN NEWS

To Top