Ang koyo hoken benefit o ang tinatawag na shitsugyo hoken (失業保険) — ay isang uri ng safety net para sa mga nawalan ng trabaho dito sa Japan at wala pang mahanap na ibang trabaho. Ang scheme na ito ay para matulungan ang mga taong walang trabaho para sa panggastos sa araw-araw habang wala pang nakikitang sunod na mapapasukang trabaho.
Para sa karamihan ng mga dayuhan, ang makapag-trabaho sa Japan ay isang dream come true. Ang pag-experience ng kultura first-hand sa pamamagitan ng pagtira dito at hindi lamang nakatingin kundi makikisalamuha mismo sa pangaraw-araw.
Subalit paano kung nahaharap na sa mapait na katotohanan ng working life ang inyong napakagandang experience dito sa Japan? Paano kung ang kumpanya na pinagta-trabahuan ninyo ay ma-bankrupt, mag-sesante ng mga trabahador, maglipat ng lugar o mag merge sa ibang kumpanya at mawalan ka ng trabaho dito sa Japan at walang kasiguraduhan na may mapapasukang trabaho muli?
Buti na lamang, mayroong social benefits na binabawas sa inyong sweldo upang makatulong. Ang tulong na ito ay para sa mga nawalan ng trabaho at nahihirapang makahanap muli at walang ibang pinagkakakitaan, ito ay tinatawag na koyo hoken (雇用保険), o unemployment insurance.
Ano ba ito?
Ang koyo hoken benefit o ang tinatawag na shitsugyo hoken (失業保険) — ay isang uri ng safety net para sa mga nawalan ng trabaho dito sa Japan at wala pang mahanap na ibang trabaho. Ang scheme na ito ay para matulungan ang mga taong walang trabaho para sa panggastos sa araw-araw habang wala pang nakikitang sunod na mapapasukang trabaho.
Ito ay hawak ng Japanese Ministry of Health, Labour and Welfare subalit para sa lahat ng gustong gamitin ito ay kailangang dumaan sa sistema ng Hello Work (Japanese), na kung saan isa itong government organization na tumutulong sa lahat upang makapaghanap ng trabaho sa Japan.
Sino ang maaaring makagamit nito?
Upang magamit ang unemployment insurance benefits, sigurauhin munang binabayaran mo ito buwan-buwan ng mahigit isang taon. Sa sinimang nakapagtrabaho ng 6 na buwan sa Japan ay maaari ng makapag-apply ng insurance na ito.
Ang Unemployment insurance payments ay kasamang sa pensions at health insurance bilang parte ng shakai hoken (社会保険) o social insurance benefits. Sila ay binabayaran ng sabay na ininabawas sa sweldo na makikita sa pay slip na binibigay ng kumpanya kada buwan kapag ikaw ay full-time employee. Ang part-time or freelance workers ay kailangang magbayad ng insurance ng bukod bilang parte ng kanilang kokumin kenko (国民健康) hoken, o national health insurance.
Paalala: ang proseso ng pagkuha ng insurance na ito kapag nawalan ng trabaho ay hindi madali, dadaan sa mahabang proseso at kailangang kumpleto ang mga requirements. Para sa detalyadong impormasyon, pumunta sa Halo Work ng inyong lugar.
Source: Japan Today