UNIQLO: Magbebenta na rin ng mask sa pagpasok ng summer
Ang FAST RETAILING, na bumuo ng UNIQLO, ay papasok sa industriya ng paggawa ng mask sa summer. Ang FAST RETAILING ay magsisimulang gumawa ng mga mask na tela gamit ang mga materyales na nagpasikat sa UNIQLO, ang “AIRism”. Ang AIRism ay popular dahil sa good breathability at quick drying items nito na karaniwan sa halos majority ng items ng UNIQLO tuwing papasok na ang summer. Ito ay yari sa China at Timog Silangang Asya, at inaasahan na ang ilan sa mga ito ay susubukan namang ilaan para sa paggawa ng mga mask. Ang dami at presyo ng benta ay hindi pa natutukoy. Sinabi ng chairman at pangulo ng Yanai na hindi sya sang-ayon sa paggawa ng mga mask, dagdag pa nya “ang paggawa ng mga damit ay ang kanyang pangunahing negosyo” sa pulong ng pinansyal na resulta noong Abril, ngunit nagpasya siyang pasukin ang merkado sa paggawa ng mga mask dahil na rin sa kahilingan ng mga customer.
https://youtu.be/8jq3mqhnVx8
Source: FNN News