Japanese foods have numerous rare facts that we ought to know, with the earnest hope of enriching our own culture by merely making ourselves familiar with their very delicious and tempting cuisines. Did you know that these mouth-watering cuisines are only one of the three national food traditions which are lawfully recognized by the United Nations because of its timeless cultural significance?
Pagkalipas ng mahabang panahon, ang UNESCO ay idinagdag ang pagkaing washoku sa kanilang listahan ng Cultural Heritage list, upang manatili ang natatanging halaga ng pagkain at kung paano ang mga wastong paraan ng paghahanda nito.
Paghahanda ng Japanese Foods
Para sa mga Hapones, ang kanilang way of eating ay isa sa mga pinakamabisang mekanismo upang lubos na mapangalagaan ang kanilang makulay at maimpluwensiyang tradisynal na kultura magpakailan pa man. Gayun din, ang mga pagkaing Hapon ay metikolosong inihahanda sa pamamagitan ng paggamit ng mga tinatawag na seasonal ingredients and flavors.
Ang mga sikat na Japanese chefs ay nagpapalipas ng mahabang panahon upang kanilang matukoy ang mga pangunahing sangkap ng isang Japanese food. Ang mga sari-saring pampalasa ng kanilang mga pagkain ay dapat naaayon sa isang yugto o period. Kapag ang isang panahon ay maluwalhating natapos na, ang pagkain na naaayon dito ay inilalagay na sa plato upang matikman ng nakararami.
Sa paghahanda ng Japanese foods, ang isa sa mga pangunahing bagay na dapat nating tandaan ay ang kapayakan nito. Ang mga meal courses ay dapat lalahukan ng mga simple flavors ngunit hindi dapat masakripisyo ang kakaibang lasa ng mga ito. Ang mga Japanese chefs ay sinisigurong lilitaw ang mga kakaibang lasa at kulay ng mga katakam-takam na pagkaing ito.
Kakaiba ang mga Japanese foods dahil sa hindi ito madalas ginagamitan ng bawang, chili, peppers at mantika. Karamihan sa mga pagkain nila ay seared, pinakuluan o kinakain ng hilaw o raw. Bilang karagdagan, ang mga cuisines ay ginagamitan ng kaunting mga sangkap tulad ng kabute, toyo at seaweeds.
Hindi man natin lubos na maunawaan ang kanilang mga tradisyon at kultura, ito ay atin namang malalasap anuman ang ating lahi at antas na kinabibilangan.