Culture

Unreleased song by Teresa Teng discovered in Japan

Isang hindi pa naipalalabas na kanta ng kilalang Taiwanese pop singer na si Teresa Teng, na sumikat sa Silangang Asya mula dekada 1970 hanggang 1990, ang natuklasan sa Japan at opisyal na ilalabas sa Hunyo. Ang kanta, na malamang ay naitala noong kalagitnaan ng dekada de-80, ay produkto ng kolaborasyon nina composer Takashi Miki at lyricist Toyohisa Araki—ang parehong duo sa likod ng mga sikat na awitin ni Teng sa Japan gaya ng “Toki no Nagare ni Mi wo Makase.”

Hindi tulad ng dramatikong estilo ng mga kilalang kanta niya gaya ng “Tsugunai”, ang bagong awitin ay may mas magaan na tono at isasama sa isang tatlong-CD na album ng mga komposisyon ni Miki na ilalabas sa Hunyo 25. Natagpuan ang kanta nang magsagawa ng pagsasaayos ng mga lumang rekording ang isang empleyado ng Universal Music LLC at nadiskubre ang isang tape sa isang bodega sa Tokyo.

Ang kanta, na wala pang pamagat noon, ay pinangalanan ni Araki bilang “Love Song wa Yogiri ga Osuki.” Bihira ang ganitong klaseng tuklas dahil noong panahon na iyon, mahal ang mga tape at karaniwang nire-record muli, kaya’t madalas nabubura ang mga orihinal na rekording.

Sinimulan ni Teresa Teng ang kanyang karera sa Taiwan at Hong Kong bago sumikat sa Japan noong 1974. Naging tanyag rin siya sa China at sa Timog-silangang Asya. Siya ay pumanaw noong 1995 sa edad na 42 habang nasa Thailand, dahil sa karamdaman.

Source / Larawan: Kyodo

To Top