Living in Japan

Update for powerful typhoon no. 10

Pinag–iingat po ang Lahat.

Ang larawan ay kuha sa dalampasigan ng Iwaki, Fukushima Prefecture nitong umaga lamang. Kita sa larawan ang laki ng mga along humahampas na nagbabadya ng isang napakalakas na bagyo. (Photo credits: wataru sekita/asahi.com)

Tokyo-  Ang typhoon no. 10 ay isa sa mga pinakamalakas na bagyong tumama sa Japan, at ngayon ay nagbabadya ng pagbaha sa mga lugar na magpasahanggang ngayon ay hindi pa fully recovered mula sa tsunami disaster noong taong 2011.

Ang typhoon no.10 o mas kilala bilang typhoon “Lionrock” ang syang dahilan sa pagkaparalisa ng trapiko,at blackouts sa ilang lugar na kung saan ay kinakailangan ng magsipaglikas ng ilan. As of now, nasa Fukushima coast pa din ang bagyo na may hanging 126 kilometers per hour.

Higit sa 50 flight schedules na ang na-cancel na sa main airport ng rehiyon sa Sendai. At inaasahan na pati na rin ang bullet trains sa Hokkaido at Tohoku ay sususpendehin.

Pansamantalang itinigil na rin muna ang kahit anumang on-going decommissioning work sa bandang Fukushima nuclear powerplant bilang pagiingat.

Source: Japan today

ctto

#Japinoy #Japinonet

To Top