General

UPPER HOUSE: ELECTION CAMPAIGN BEGINS

Daan-daang kandidato ang naghahanda na para sa opisyal na kampanya para sa Japan’s Upper House of the Diet. Ang botohan ay naka-iskedyul sa ika-10 ng Hulyo.

Kalahati ng 242 ng Upper House seats ang at stake kada tatlong taon. Nahahati sila sa pagitan ng electoral districts at proportional representation system.

Napag-alaman ng NHK na 387 na tao ang may planong tumakbo mula noong Martes pa lamang.

Ang mga boboto ay magkakaroon ng pagkakataon na mamarkahan si Prime Minister Shinzo Abe sa kanyang mga polisiyang may kinalaman sa ekonomiko na tinatawag na “Abenomics.”

Ang inaasahang mga isyu na magsismula sa Marso ay ukol sa seguridad ng buong bansa. Ang batas ng Japan ay pinapayagan na ipakita ang pwersa nito upang ipagtanggol nito ang kanyang mga mamamayan at nasasakupan.

Ayon kay Punong Ministrong Abe, na layunin ng kanyang ruling bloc ang makakakuha ng mayorya ngayon.

Ito ang kauna-unahang eleksiyon sa buong bansa mula ng ibinaba ng Japan ang edad ng mga maaaring bumoto. Mula edad 20 ay ibinaba ito hanggang edad 18. Nangangahulugan ito na may karagdagang 2.4 milyon na botanteng kabataan ang makikilahok.

Ang opisyal na kampanya ay magaganap sa loob ng 18 araw hanggang ika-9 ng Hulyo, araw bago ang halalan.

SOURCE: www.japanbullet.com

 

To Top