News

URINE TEST DETECTION NG CANCER

Ang mas maaagang detection ng cancer ay nagiging posible ng mangyari.

Noong nakaraang taon sa isang survey na isinagawa ng Kyushu University ay nakatagpo sila ng paraan upang ma-distinguish na ang isang pasyente ay mayroon o walang cancer gamit ang nematodes na may laking 1 millimeter. Datirati, ang mga qualified na espesyalista lamang ang maaring makapagsagawa ng test at posible lamang makagawa ng 3 hanggang 4 na test kada araw.

Sa research na ito, nakapagdevelop ang Hitachi ng apparatus n may automatic analysis system na may kakayahang makapag-perform ng urine test na gamit ang parehong method. Ang plano sa hinaharap ay para makapagkuha ng test sa mahigit na 300 hanggang 400 katao kada araw at lalabas ang resulta sa mismong araw.

Ang equipment na ito ay inaasahang magagamit sa taong 2020.

Source: ANN News

To Top