General

USJ MAGBUBUKAS NANG MULI

Ang Universal Studios Japan(USJ) na pansamantalang nagsara simula noong pebrero ay naganunsyo na muli na itong magbubukas sa publiko simula June 8, ngunit mayroong phases at mga restriksyon.
Ang entrance ay hihigpitan at magkakaroon ng division upang maiwasan ang kumpulan ng mga tao.
Kung kayo ay nagbabalak na magtungo dito, mangyaring alamin muna kung ano-ano ang mga bagong policy ng parke.
-Phase 1, simula sa June 8, papahintulutan ang mga residente ng Osaka na mayroon lamang annual pass.
-Phase 2, simula June 15, ay para naman sa mga residente ng osaka na mayroong annual passes o wala.
-Phase 3, simula sa 19 irerelease naman ito para sa mga residente ng Kansai Region ( osaka, kyoto, nara, wakayama, hyogo at shiga)
Ang mga tiket ay available lamang sa internet na may nakatakdang petsa ng pagbisita. At hindi ito mabibili sa entrance ng parke.
Ang parke ay nakakatanggap ng mahigit 10milyong bisita taon-taon umaasa sila na sa bagong pamamaraang ito ay maiiwasan ang paglaganap ng bayrus at mapipigilan ang hawahan.
Sa ngayon, ang entrance ay hihigpitan ngunit umaasa ang parke na makipagtulungan sa gobyerno ng Osaka upang matulungan sila kung papaano sila magpapatuloy pagkatapos ng mga nabanggit sa itaas.

Source: NHK News

To Top