USJ, nagbabawas ng mga trabahante dahil sa epekto ng coronavirus
Napag-alamang ang operating company ng Universal Studios Japan ay nagkansela ng mga contract renewal ng ilan nilang part-time workers. Sa kadahilanang ang bilang ng mga bumibisita ay lubhang bumaba dahil sa impluwensiya ng coronavirus. Ayon sa USJ officials, ang ilang kontrata ng mga arubaito nila sa kasalukuyan na napaso ay sinimulang hindi na i-renew noon pang buwan ng Agosto. May humigit kumulang 11,000 katao ang trabahante ng USJ kung saan nasa 9,000 rito ay mga part-time workers. Hindi binanggit kung ilan ang eksaktong bilang ng mga hindi na nirenew na kontrata. Matapos na pansamantalang nagsara ang USJ noong buwan ng Pebrero, nagsimula itong magbukas ulit sa publiko noong June, kasabay ang mga ipinatupad na infection control measures ngunit hindi bumalik sa dati ang bilang ng mga customers tulad ng inaasahan para sa muling pagbubukas nito. Dahil rito ang ideya ng pagbabawas ng mga nirerenew na kontrata ng mga part-time workers ay upang mapababa ang labor costs expenses ng parke.
Pahayag ng isang USJ Official, ” Kung sapat sana ang mga pumapasok na bisita sa parke, hindi namin kinakailangang magbawas ng staff sa ngayon.”
Source: ANN NEWS