General

Vietnamese Trainee na Bilog, Nagtago sa Hokkaido

July 22, isang 28-year old Vietnamese former trainee ang naaresto ng pulis dahil sa pag-overstay sa Japan.

Natapos ng kanyang visa noong May 23, at siya ay nag-overstay hanggang July 21 nang hindi nagpabago ng kanyang visa.

Nagtrabaho dito sa Japan ang trainee sa isang auto body shop sa Honshu ngunit tumakas siya sa trabaho dahil hindi siya satisfied sa sweldo at tuluyang pumunta sa Hokkaido.

Naging scavenger siya sa Hokkaido. Ngunit siya ay nahuli ng pulis dahilan sa pagkabangga ng kuruma nilang sinasakyan sa Highway. Tumakas ang kasama niyang driver na kaibigan.

Ayon sa Vietnamese na trainee: “Alam kong overstaying ako pero gusto ko pang kumita ng pera. Akala ko ay mahirap akong hanapin sa Hokkaido.”

Source: TBS NEWS AUGUST 1, 2023
https://newsdig.tbs.co.jp/articles/-/636545?display=1

To Top