General

VOLVO at iba pa, simula taong 2030 100% electric vehicles na ang ipapalabas

Inanunsyo ng Volvo na plano na nilang gawing 100% electric vehicles ang mga ipapalabas na models ng kanilang sasakyan simula sa taong 2030. Ipinahayag ito ng Volvo Car Corporation noong martes, ipi-phase out na nila umano ang lahat ng mga gasoline-powered vehicles nila kasama na ang hybrids.

Balak ng automaker na ito na ibenta ang mga EV’s nila online, at mga dealership na lamang ang hahawak sa mga maintenance at repairs. Dagdag pa ng kumpanya, bilang pagpili na 100% maging electric vehicles ang kanilang mga models, pinipili nila umanong mag-invest para sa hinaharap.

Balak nilang magpokus na maging pangunahin sa fast growing premium electric segment dahil doon umano papunta ang ating henerasyon.

Marami na umano sa mga advanced countries ang nagpapatupad ng mas mahigpit na vehicle emission standards para na din mabawasan ang CO2 na ibinubuga mula sa mga de-gasolinang sasakyan, na may patotoo naman halimbawa na lamang sa Europe.

Ang mga kakumpetensya ng Volvo ay umaabante na rin patungo sa Electric vehicles tulad na lamang ng Britain’s Jaguar Land Rover, na nagpahayag noong Pebrero na balak nila umanong gawing fully electric ang Jaguar-brand vehicles nila makalipas ang 4 na taon.

Pati na rin umano ang US Firm na Ford brand, plano na ring magbenta ng electric only passenger cars sa Europe sa taong 2030.

Source: NHK NEWS

To Top