Nauuso ang hoverboard ngayon lalo na sa mga kabataan sa Pilipinas. Sa ibang bansa gamit namang ng iba’t ibang grupo ng mga mananayaw ang mga ito sa pagpapauso ng iba’t ibang sayaw gamit ang hoverboards.
Bago pa man ito mauso ang ay nauna na ang pelikulang Back to the Future na maipalabas at makagamit nito wala nga lang gulong. Pinaniniwalaang galing umano ang ideya na ito sa pelikulang iyon. Naglipana sa internet ang mga seller ng hoverboards. Mula sa halagang 14,999php-19,000php ay maari ng mapasainyo ang pinaka-latest trend na ito.Ngunit dahil sa nagiging popular na ito ay dumarami rin ang scammers na nagbebenta ng peke o minsan naman ay itatakbo ang pera mo lalo na at karamihan ay online transcat
Patok na patok hindi lang sa karaniwang mamayang kundi pati na rin sa mga artista ng mga popular na istasyon tulad ng ABS-CBN at GMA7. Panuorin sa sumusunod na video kung sino-sino sila.
Pero sa Japan bago pa man mauso ito sa pilipinas ay nauna na ang imbensyon ng WALKCAR.
Samantala sa Japan, Isang Japanese engineer ang nakaimbento ng kakaibang paraan upang makapaglakbay ng malayo ng hindi napapagod: Isang transporter na tinatawag na “WalkCar” maliit, magaan at madaling gamitin.
Ang produkto ay pinapatakbo ng baterya at ito ay halos kasinglaki ng sukat ng isang laptop. At kahit na mukhang hindi nito kakayanin humawak ng bigat dahil sa sobrang nipis at gaan, ito ay gawa mula sa aluminum, at kayang humawak ng bigat na hanggang 265 lbs. o 120 kilos.
Ito ay maaaring tumakbo ng hanggang sa 6.2miles/hr hanggang sa 7.4 miles. 3 oras ang charging time para dito.
Ayon sa Creator nito na si Kuniako Saito sinabi nya sa isang interbyu, “‘Bakit hindi tayo bumuo ng isang uri ng transportasyon na pwedeng dalhin lamang sa ating mga bag, hindi ibig sabihin na gusto namin laging ang aming mga transportasyon para sa amin ay puro sasakyan lamang tulad ng kotse, bus, tren atbp?’ Nagtanong sa akin ang aking mga kaibigan upang gumawa ng isa , dahil ako ay gumagawa ng aking Masters sa engineering partikular sa control motor electric car system. ” At doon nga nabuo ang imbensyon nyang Walkcar.
Ang sabi pa ni Saito “ang mga customer ay maari ng magpareserba ng kanilang sariling WalkCars mula sa Autumn season taong 2015 sa kanilang website na Kickstarter”. Ang futuristic Skateboard ay nagkakahalaga ng humigit kumulang 100,000 Japanese Yen (approx. $ 800 USD). Ang shipping ay inaasahan maguumpisa sa taong 2016.
Panuorin sa video dito kung papaano gumagana ang walkcar:
You must be logged in to post a comment.