General

War threatens dental care services in Japan

Nagsisimula nang maramdaman ng mga dental clinic sa Japan ang kakulangan sa medical supplies dulot ng tensyon sa Middle East. Isa sa mga pangunahing alalahanin ng mga dentista ang kakapusan ng nitrile gloves, na mahalagang gamit sa mga dental examination at paggamot.

Bukod sa gloves, nahihirapan na rin ang mga klinika na kumuha ng sterilization bags, disposable gowns at paper trays. Marami sa mga produktong ito ay gawa mula sa petroleum derivatives, na naapektuhan ang suplay nitong mga nakaraang buwan.

Ayon sa ilang dental clinics, hindi pa tiyak kung kailan muling magiging normal ang pagdating ng mga bagong stock, kaya nagsimula na silang magpatupad ng emergency measures upang makatipid sa paggamit ng mga materyales.

Nagbabala ang mga eksperto na kung magpapatuloy ang kakulangan, maaaring maapektuhan ang dental services at paggamot sa mga pasyente sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Source: Yahoo! Japan

To Top