Culture

Wastong Pananamit tuwing Taglamig

wastong pananamit tuwing taglamig

Kung ito ang iyong unang taglamig (winter) sa Tokyo o saan mang panig ng Japan, kailangan mong maging handa. Mahalaga na ikaw at ang iyong mga anak ay susunod sa wastong pananamit tuwing taglamig.

Ang mga temperatura ay sadyang magkakaiba saan mang sulok ng mundo. Ang ihip ng hangin ay maaaring maging sanhi ng higit na malamig na temperatura. Tuwing taglamig, ang mga ulat sa panahon ay pinag-uusapan ang tungkol sa malamig na hangin (wind chill). Halimbawa, ang temperatura ay maaaring -5°C ngunit kasama ng malamig na hangin, ang temperatura ay para bang -10°C na sa baba o doble sa tunay na sukat nito. Kung kaya nararapat sa mga panahong ito ay ating siguraduhin na tayo’y magdadamit ng naayon sa panahon. Nirerekomenda lamang ang makakapal na kasuotan kagaya ng mga sumusunod:

Jacket o Coat

Ito ay  higit na mahalagang piraso ng pananamit para sa taglamig na kailangan mo. Ang mainit na jacket o coat ay hindi mawawala sa mga kasuotang pang-taglamig.

Ang iyong dyaket ay dapat na tamang tama ang kapal upang mapanatiling mainit ka sa sobrang lamig at hustong mabigat upang hindi mapasok ang iyong katawan ng malamig na hangin. Marami rin sa mga dyaket na pantaglamig ay hindi tinatagusan ng tubig o hindi tinatablan ng tubig tulad ng leather. Ang pagpapanatili sa iyong sarili na tuyo ay isa sa mga pamamaraan upang mamalaging mainit. Maaari kang magsuot ng higit sa isang layer ng jacket kung kinakailangan.

Sumbrero (Hat)

Sa panahon na taglamig, kailangan natin ang sombrero upang mapanatili ang init sa ating ulo at tenga. Maraming mapagpipilian dito. Isang panuntunan ng pagpili ay dapat na natatakpan ng husto ang tainga at ulo. Laging tatandaan na dapat tayong maging alerto lalo na sa panahong ito ay na madalas magkasakit ang mga tao.

Jeans at Slacks

Ang jeans ay natural na mainit sa katawan, gayun din ang leather slacks kung kaya’t bagay ang mga ganitong kasuotang pang-ibaba tuwing malamig ang panahon. Iwasan ang dress ngunit kung kinakailangan talagang magsuot nito, ipares ang leggings o jeggings sa ilalim ng bestida.

Boots at Socks

Nararapat ding magsuot ng makapal na medyas at winter boots upang hindi malamigan ang paa. Maaaring magsuot ng ilang piraso ng medyas kung kinakailangan.

Ang mga wastong pananamit tuwing taglamig ay kailangan upang maiwasan ang hypothermia na maaari mong ikamatay dulot ng sobrang lamig.

To Top