Water shortage hits Aichi
By
Posted on
Paiigtingin ang pagtitipid ng tubig sa Higashi-Mikawa, Aichi, simula Setyembre 1 dahil sa kakulangan ng tubig sa Toyokawa Canal. Ayon sa Japan Water Agency, mababa ang pag-ulan noong Hulyo at Agosto kaya patuloy na bumaba ang suplay sa mga imbakan.
Pagsapit ng hatinggabi ng Agosto 31, nasa 26.3% ang kabuuang imbakan ng Toyokawa Canal, habang 3.2% lamang ang Uren Dam sa Shinshiro.
Mula alas-9 ng umaga ng Setyembre 1, ang bawas ay magiging 20% para sa agrikultura, 15% para sa inuming tubig at 20% para sa industriyal na paggamit.
Source / Larawan: Nagoya TV
