Sa ngayon, sadyang makabago na ang ating teknolohiya. Nariyan na ang mga smart phones tulad ng iPhone, tablets, laptop at kung anu-ano pang mga gadget na pwedeng-pwede nating gamitin upang kumita ng pera. Ang mga gadgets na ito ay hindi lamang para sa personal na gamit. Ang mga ito ay tools din sa paghahanap buhay gamit ang Internet.
So what are the ways on how to earn money online from home?
English Related Jobs
Una, alamin muna kung saang larangan ka magaling. Halimbawa, kung magaling kang mag-Ingles, ito ay maari mong gawing propesyon. Merong mga online home based English teaching jobs kung saanmaaari mong gamitin ang iyong laptop o computer. Gumawa ka muna ng resume at siguraduhing maganda ang iyong Internet connection. Sa pamamagitan ng Skype, ay pwede kang magturo ng salitang Ingles sa mga Hapon, Koreano at mga Instik. Use your search engine para maghanap ng mga job openings para sa larangang ito.
Maaari ka ring maging translator or writer sa English.
Be a Seller Online
Ikalawa, kung magaling ka sa pagtitinda, nariyan ang mga social media sites at online shops kung saan pwede mong iupload ang mga litrato ng mga bagay-bagay na nais mong ibenta. Maaari mo ring ibenta ang mga 2nd hand mong gamit na di mo na kailangan. Nakabawas ka na ng kalat, kumita ka pa. Pwede ka ring mag-buy and sell o maging reseller or retailer ng mga produktong patok sa kasalukuyan. Mag-ingat lamang sa pakikipag-transact para maka-iwas sa mga scammer.
Freelancer or Contractor
Pangatlo, may mga webbsite kung saan pwede kang gumawa ng iyong profile bilang isang freelancer or contractor. Maaari kang mag-offer ng services sa industry kung saan ikaw ay may skill o experience tulad ng writing or translation, accounting, teaching, technical support, customer service, virtual assistance, data entry, transcription, website design or development graphic design, illustration at iba pa. Ang mga kliente dito ay nasa ibang bansa. Ilan sa mga site na pwede mong aplayan ay ang staff.com, upwork.com, freelancer.com, fiverr.com at iba pa.
image credit: Flickr