General

Weather Forecast

Ayon sa weather forecast, ang winter season ay magmula December hanggang February, at ang winter ay matatapos na ngayong araw. Dahil dito naitalang ang winter ngayong taon ay “warm winter season”. 41 sa 47 na prefectural capitals ang may pinakamataas at pinakamababang temperaturang naitala. Dahil dito, iba- iba ang naging epekto nito sa buong bansang Japan, tulad na lang ng kakulangan ng snow at maagang pamumukadkad ng cherry blossoms. Hindi Tokyo ang nangunguna sa listahan, ngunit posibleng nakaapekto ang pagbabago ng temperatura sa lugar na ito simula pa noong 2014.

Ano kaya ang magiging resulta ng weather updates sa susunod na buwan? Kung makikita ninyo sa video, halos pula ang kabuuan ng bansang Japan sa isang buwang forecast, at inaasahang tataas ang temperatura sa spring season. Subalit, may posibilidad na bumalik ang malamig na panahon sa buwan ng Marso, kung kaya’t wag ninyo munang iligpit ang mga makakapal ninyong damit para may magamit pa sakaling biglang balik ang lamig ng hangin.

Magiging maulan ang gabing ito, sa gabi inaasahang magssnow sa northern part ng Japan samantalang ulan naman sa southern Kanto. Ang ulan sa Kanto ay inaasahan na maguumpisa bandang alas-7 ng umaga ng Marso 1, ngunit magiging maaraw naman  sa ibang lugar ng Kanto hanggang parteng norte ng Kyushu. Tataas na rin ang temperatura at magsisimulang uminit. Sa Hokkaido naman, may mga lugar na kung saan ay papatak ang snow hanggang gabi, sa southern Kyushu naman ay magiging maulan. Mag-ingat naman sa banta ng thunderstorms sa Okinawa.

https://www.youtube.com/watch?v=ADF9dI6C4GY

Source: ANN News

To Top