General

WHO: AstraZeneca vaccine suspension hindi konektado sa kaso ng mga pagkamatay

Ayon sa WHO (World Health Organization) ang bakunang gawa ng AstraZeneca sa new coronavirus ay pansamantalang sinuspinde dahil sa peligro ng pagkakaroon ng blood clots dahil sa mga side effects nito, pero wala pang kumpirmadong kaso ng mga pagkamatay dahil dito. Sa Europe, ilan sa mga nabakunahan ay napag-alamang nagkaroon ng blood clots matapos mabakunahan ng AstraZeneca, ang ilan sa mga ito ay namatay. Dahil dito higit sa 10 bansa ang gumawa ng mga hakbang upang iwasang mabakunahan ng AstraZeneca. Pahayag ng WHO noong ika-12 ng buwang ito, ” Nasa higit 300 milyon na ang nabakunahan ng covid vaccine nila sa buong mundo, ngunit wala pang kumpirmadong kaso na ang itinuturong sanhi nito ay dahil sa bakuna.” Sa kabilang banda, nasa 2.6 milyon ng mga tao ang namamatay dahil sa virus kung kaya’t kinakailangan pa rin ang bakuna pangontra dito. Wala pang kaswal na pagkakaugnay ng nasabing blood clot formation dahil sa AstraZeneca vaccine.

https://youtu.be/3P9KMnZpvNg

Source: ANN NEWS

To Top