WHO Team, dumating na sa Wuhan upang magimbestiga
Isang research team ng WHO (World Health Organization), kabilang ang mga dalubhasa na Hapon, ay dumating sa Wuhan, China, upang siyasatin ang pinagmulan ng bagong coronavirus. Mahigit isang taon matapos ang pagkalat ng impeksyon, magsisimula na rin ang buong pagsisiyasat. Ang koponan ng mananaliksik ng WHO ay dumating sa paliparan sa Wuhan, China mula sa Singapore makalipas ang tanghali sa ika-14 ng buwang ito. Si Ken Maeda, direktor ng National Institute of Infectious Diseases, at iba pa ay sumailalim sa mga pagsusuri sa PCR at antibody sa paliparan sa pamamagitan ng isang pansamantalang daanan na nakatuon sa mga manlalakbay. Ang panahon ng pagsisiyasat ay tatagal ng isang buwan kasama ang dalawang linggong quarantine sa isang hotel sa lungsod ng Wuhan, at susuriin ang pinagmulan ng virus at ang proseso hanggang sa kung saan unang napatunayan ang impeksyon sa merkado ng Wuhan. Naging maingat ang China sa pagiging pinagmulan outbreak ng bagong coronavirus lalo na ang patungkol sa WHO field surveys.
Source: ANN NEWS